Alamat ng Pagong
Summary:
Noong unang panahon merong isang pagong na napakayabang at makuwento, alagang alaga niya ang kanyang talukab at ito ay araw-araw niyang nililinis at pinapakintab. Hindi niya hinahayaang ito ay magasgasan or masira. Siya ay napakakuwento at yabang lagi siyang nagdaldaldal sa kanyang mga kaibigan hayop sa gubat upang ikuwento ang kanyang mga karanasan at gaano kaganda ang kanyang talukab. Isang beses merong mga tagak na dumating sa kanilang lugar upang uminom sa batis, nakita ito ng pagong habang nakikipagkuwentuhan sa mga kaibigan niyang bibe. Narinig ng pagong ang kwentuhan ng mga tagak tungkol sa lugar na kakaiba at mga karanasan nito doon. Napahinto ang pagong sa mga kwento niya sa bibe ngayon lamang ito nangyari at nagulat ang mga kasama niyang bibe. Dahil sa mga kwento ng mga tagak ay nainggit ang pagong at kinausap niya ito at pinilit niyang isama siya sa lugar na kanilang pinaguusapan. Hindi alam ng mga tagak kung pano isasama ang pagong dahil hindi naman ito nakakalipad, ngunit naisipan ng isa sa mga tagak ang maganda plano. Kakagat ang dalawang tagak mag kabilaan sa isang punong kahoy habang nasa gitna naman ang pagong naka kagat. Ginawa nila ito at lumipad patungo sa lugar na tinutukoy nila, ngunit hindi pa nagtatagal ay nainip na ang pagong sa pag kagat sa kahoy at ito ay biglang binuka ang kanyang bibig upang magkwento sa mga tagak ngunit nakalimutan niya na sila pala ay nalipad at ito ang naging rason upang siya ay makabitiw. Nahulog ang pagong at wala ng nagawa ang mga tagak kung hindi tignan na lamang ang pagong na nahulog at nasira ang napaka kinis at gandang talukab ng pagong mabuti na lamang ay matibay ito at hindi nasaktan ang pagong. Ito ang naging dahilan kung bat nag kalamat na ang talukab ng pagong.
Mga tanong:
Is the legend or myth historically true? Is it based accurately on certain historical events and figures? Explain.
Hindi, ito ay ginawa lamang upang mag bigay ng leksyon sa mga magbabasa.
Is the legend or myth scientifically verifiable? Are there scientific data that supports the truth behind the legend or myth? Explain.
Hindi, hindi dahil sa pagkabagsak ng mga pagong kaya ganon ang itsura ng kanilang mga talukab. Talagang ganon ang itsura nito at hindi ito makintab or makinis.
What lessons in life may we learn from the story? Are these true? Why?
Oo meron, ito ay nagsasabi na hindi dapat tayo maging madaldal at maging mayabang sa mga tao sa paligid natin. Kailangan natin matutong makuntento at maging simple lamang.
What kind of truth is contained in a legend or myth? How is this truth applicable to your daily life?
Ang leksyon sa loob ng storya, ito ay makakatulong sa ating araw-araw na buhay kung ito ay ating isasa puso at gagawin. Kailangan huwag tayong maging mayabang at matutong maging simple.
Do we still need myths? and legends today? Why?
Sa tingin ko oo upang maibalik ang mga kasanayan. Sa ating panahon ngayon ay kakaiba na ang naiiambag ng teknolohiya ngunit kelangan parin natin tumanaw sa mga gantong uri ng kwento. Ito ay pwede parin naman gawin sa panahon natin ngayon dahil katulad sa internet ay meron na tayong mga mababasang mga kwento ng alamat at mabuti ito para sa mga bata.
Jason Patrick A. Ramos
11-ST.PETER
idol
ReplyDelete